sundo’t hatid, hatid sundot
Ligawan stage…haaay…wala nang sasarap pa sa buhay ng isang
binatilyo kundi ang panahon ng ligawan. Noong panahon namin ay hindi pa uso ang text messages. Nung bandang huli na lang nagkaroon ng
ganoong convenience sa pakikipagligawan. Actually, noong college na lang ata yon. Ngunit noong kami’y nasa hayskul pa lamang ay “old school” kabaduyan ang
gamit namin. Actually, bago pa magsimula ang ligawan ay madami nang nangyayari
sa utak ng isang binatilyo.
As early as 6 months before siya manligaw ay madami nang
tumatakbo sa isip nyan. Ilang drafts na
ng love letters ang nagawa at pinunit, Ilang rolyo ng tissue na ang nagamit
pagkatapos ng paglalaro sa kanyang manoy para makaraos sa tindi ng tension at
kalibugan na dinadala ng pagpapantasya sa wala pang kamuwang-muwang na
dalagita. Ilang pimpols na din ang kanyang
pinutok para lang tumubo ulit sa parehong lugar. Para sa impormasyon (“For your information” sa
inggles) ninyong mga kababaihan, walang lalaki ang hindi dumaan sa katorpehan. Pag may kilala kayong lalaki na nagsabing
never siya natorpe sa babae, hampasin nyo agad ng bag sa mukha sapagkat siya ay
nagsisinungaling at nagpapanggap lamang na cool at macho. Kahit si Aga Mulach man ay siguradong natorpe
din nung siya ay binatilyo pa (haaay, Aga..).
Tsokolate – Shempre hindi mawawala yan. Pag natiis mong hindi bumili ng Ultraman na
laruan sa ipon mong allowance ay maaari ka nang makabili ng desenteng tsokolate
tulad ng Hershey’s kung gusto mo ng imported at kung going Pinoy ka naman ay
Serg’s ang piliin. Kung wala ka namang
pera at hindi ka din marunong mangupit sa magulang mo, sorry ka na lang. May Tsoknat diyan kina Aling Susan, piso
tatlo. Samahan mo pa ng pop rice, ayos
na. Ewan ko lang kung makahalik ka.
Rosas – red kung mahal mo siya at white naman kung friends
lang kayo. Tanginang yan may color
coding pang nalalaman yung nagpauso niyan e! E kung plastic na lang kaya ibigay ko sayo ha?! Ha?! Ano ibig sabihin nun, sige nga?! (Pasensya
na, na-carried away lang po..). Pero sa buong
mundo ay eto ang common na ligawan tool – ang bulaklak, na siya nga naming nakakaaliw
dahil “bulaklak” ang tawag natin sa hiyas ng babae (kung nakapagbasa ka na
Abante o kaya Remate noong bata ka, eh siguradong alam mo ang ibig sabihin ng
“hiyas”). Kaya minsan pumapasok sa isip
ko na siguro kaya binibigyan ang babae ng bulaklak eh dahil gusto ng lalaki na
ibigay naman ni babae ang bulaklak nya sa kanya? Ayos diba? Woohooo!!! Yebah!!!! Cowabunga!! (Sorry, na-carried away nanaman…)
There’s still sooo much to talk about the Filipino dating
game – things like the long phone calls (telebabad), and not to mention the
“you put the phone down first” lines – shet! Klasik! Puta dumaan tayo lahat diyan! Ang hindi ko maintindihan ay yung mga lalaking
nagpapaalam pa sa babae kung “pwede ba manligaw?” Anak ng puta! Eh pano kung sinabi nyang “hinde.” Eh di na-zetlog ka na! Bobo! Ah basta..mahaba nato..Madami pang sasabihin
sina Tenco at Tikboy kaya tuluy-tuloy lang ang pagbabasa.
O sige na, browse down na…no, you muna..no, you muna..O
sige, sabay na lang tayo? One…two…three…proot! Utot nyo.
– tem-i
Naku ligawan ba? Tulad ng sinabi ni tem-i, lahat dumaan sa
pagiging torpe. At ako n ata ang isa sa mga pinakatorpe. Noong bata pa ko
shempre hindi ko inaamin na torpe ako kasi hindi ako magiging cool nun. Pero
ang totoo, napakatorpe ko. Tlagang dumaan ako sa pamimilit ng mga barkada ko na
gumawa na ko ng move. Yung tipong tatlo na ung humihila o tumutulak sayo para
malapitan mo lng ung crush mo o nililigawan mo. Halos lumuwag pa lalo yung maluwag
ko nang tshirt o masira ung polo ko kakapilit sakin ng mga barkada ko. Ang
palagi ko pang linya eh "Wag na tol! nkakahiya…". Sasabihin naman
nila "Wag ka ng matorpe baka may mauna pa sayo, kaw rin magsisisi".
Sagot ko naman "Cge tol mamaya, bwebwelo lng ako". Yan plagi ang ang
sinasabi ko pero hindi ko naman tlaga itutuloy, para lng tumigil sila sa
kakapilit sakin hehe.
Stuffed Toy - Yan tlaga ang isa sa pinaka-klasik na
binibigay ng manliligaw. Kadalasan binibigay yang mga yan pag Christmas, Valentine’s
o kaya bertdey ng babae at plagi ring teddy bear. Eh dati bobo pa naman tyo eh.
Hindi natin naiisip na manligaw tyo sa panahon nh walang okasyon para makatipid
at hindi na kelangan magregalo. Titipirin mo tlaga ang baon mo para
mkapag-ipon. Kelangan mo plagi mag-baon at hindi ka na mag-sosoftdrinks at
makiki-inom na lng sa coleman ng kaklase mo. Pero pag na-tyempo ng Christmas
ang panliligaw mo, ok na budget mo. May panregalo ka na kasi may makukuha kang
pamasko. Iisipin mo n lng kung anung stuffed toy ang gusto nya. At dito na
papasok ang bespren ng babae.
Bestfriend - Kahit ganu kapanget ang muka at ugali
nyan(swerte mo n lng kung maganda din), kelangan mo pa ring maging mabait sa
kanya dahil kelangan mo sya(pero kadalasan tlaga panget sya eh, joke lng hehe).
Kaya ihanda mo na lahat ng pekeng ngiti sa kanya. Sa kanya mo malalaman ang
halos lahat ng gusto ng nililigawan mo. Kung pwede nga eh semi-ligawan mo na
rin yan eh. Kahit minsan eh feeling nya kasing ganda at kasing sikat sya ng
nililigawan mo kasi sya ang bespren eh. Kung anu meron ung nililigawan mo meron
din sya tulag ng suklay, cologne, pamaypay
atbp. Dapat maging close ka sa kanya dagil sya ang magsasabi ng mga gusto ng
nililigawan mo. Kelangan mong ipakita lahat ng kagandahan ng ugali mo dahil
lahat ng makikita sayo ng bespren nya, malamang ikwekwento nya lahat yan sa
babae mo. Eto share ko lang. Npapansin ko lng dati eh ung bespren pa ung mas
nagpapansin sayo na kala mo sya ung nililigawan. Kadalasan ganun db? Pansin ko
lng.
Yan lamang ang iba sa maraming pang kasama sa ligawan stage.
Makikisali lang pla ako sa sinabi ni tem-i tungkol sa telebabad. Yung
nagtuturuan kung sinu unang magbababa ng telepono. Hahahaha klasik ampucha!
Dumaan din tlaga ako sa ganun eh. Pero tingin ko pag nagturuan kayo, malamang
may gusto din sayo ung babae. Kaya good sign yun hehe. Eto pa hindi mawawalo
to. Malamang tlaga i-leletering mo ung pangalan ng nililigawan mo sa notebook,
libro o khit san mang papel. Minsan nga kasama pa pati apelyido. At sinusubukan
mong palitana ng apelyido nya ng apelyido mo. Haha ang baduy!
– tikboy
tanginang ligawan ‘yan o. talagang dun ko nakita ‘yung kung
anu-anong kabaduyan e. kanya-kanyang teknik talaga eh.
actually hindi naman talaga ligawan ang nagyayari most of
the time. puro walang katapusang pagpapa-cute lang at pagpapanggap ang ginagawa
ng mga feeling-poging lalake kapag may mga gusto silang maging syota. may
maglalagay ng gel (na tigatlong piso, yung may kulay puting logo ng ulo ng
tao.) ako suave ang gamit ko nun e, para shiny effect. tapos ivory yung sabon
para mabango.
nauso pa talaga ‘yung buhok na hinahati sa gitna eh.
“biakers” ang tawag samin don. kapag pumunta ka sa barbero, sabihin mo lang,
“bobcut po” at alam na niya na ang gupit mo e ‘yung may hati sa gitna at
iiwanan ka ng bangs. may halong “undercut” na rin ‘yan, para paghagod mo sa
buhok mo e makikita ‘yung inahit na bahaging nakatago. tapos gagawin mo ‘yun
move na ‘yun everytime na dadaanan mo ‘yung crush mo sa klasrum, or kahit
habang nag-uusap kayo.
lalake: (hagod buhok) “hi anna. may assignment ba tayo sa
math?”
babae: “meron.”
lalake: “peram naman ng notbuk mo o. (hagod buhok) pakopya.”
patay na! tumeknik na! may mga matatapang talagang hindi na
dinadaan sa bespren ng babae ang pagpapapogi e. saka usually naman e pangit ang
bespren ng babae, baka mag-feeling pa na sila ‘yung nililigawan.
stationery.
papel at envelope na mabango. ang sarap amuy-amuyin. kahit tula .
tula amputa.
gaano pa kapangit ang sulat ni lalake e pilit niyang pagagandahin para umakma
sa pagiging presentable ng stationery. susulatan niya ito ng mga mushy messages
na talagang nakakakilabot. ‘yung ibang mga matatapang naman e talagang gagawa
ng
bukas na polo.
‘yung kita ang sando. para makita ni babae ang payat na
katawan ni lalake. mas machong tignan kapag kagagaling lang niya sa paglalaro
ng agawang beys tapos kapag pawis na pawis na eh dadaan-daanan niya ‘yung
crush niyang nakaupo malapit sa pinaglalaruan niya para ipakita ang polong
bukas. swabe.
notebook ni babae.
syempre gagamiting excuse ang pagkopya ng notes or
assignment. tapos aamuyin pa na parang stationery ang dating.
vandals sa cr ng lalake.
“anna love raymond” – tanginang ‘yan. ‘yung pangalan pa
talaga ng babae ang nauna e, parang siya pa ‘yung may crush sa lalake!
suave, pabangong hiniram kay itay, rubbermaid comb. big
polo. high-cut boots.
lalake: “classmates, am I correct?”
classmates: “yeees you aaaaaare!”
lalake: “who will be the next?… anna.”
classmates: “yiiiiiiheeeee!!!!”
lalake: (iaabot ang chalk sa crush niya at hahagurin ang
biakers na buhok)
– tenco
December 20th, 2006 at 4:44 pm
Islambuk (Slumbook)
Di pwedeng palagpasin ang usapang ligawan na hindi nababanggit ang tanginang islambuk na yan. Kadalasang pinagpapasahan sa school bus (service tawag namin dun - sumalangit kaluluwa mo, Mang Jude) habang papa-uwi na kayo. Shempre, kilig naman ang betlogs mo pag in-offer sa yo nung crush mo na sulatan ang slumbook nya. Ikaw naman, feeling macho, pa “hard-to-get” ka pa kukunin mo din naman. Corny ng puta! Pagdating mo naman sa kwarto, aamuy-amuyin mo yun at parang bading na uusyusohin yung mga sagot ng mga nauna sa yo. “What is Love?” , “What is your favorite movie?” Putsa, english pala ang mga tanong dito! Pagkakataon mo nang magpasikat na marunong ka ring mag-ingles! “Love is never having to say you’re sorry.” Langhiya, yun ang sinagot nung bespren niya eh. Tsaka parang sophisticated ang dating kaya yun na rin ang isasagot mo. Kamot ka pa ng ulo kasi, tangina - ano kaya ibig sabihin ng “never having to say you’re sorry”? Kumbaga, kahit na nasiko mo yung ilong niyang may hinog na pimple, huwag kang magsosorry kasi yun ang patunay na love mo nga siya? Yun na nga siguro yon! Ang bobo mo talaga.
Uusysuhin mo rin kung sino ang sinulat ng crush mo sa tanong na: “Who is your crush?” Sa isip isip mo lang, tangina, sana pangalan ko ang sinulat niya! Pero lagi kang barado dito kasi ang talagang crush niya ay si Johnny Depp at si Tom Cruise. Nampotah! Paano ka naman makaka-compete sa mga kumag na yan!
Yehey! Alam ko na! Biakers na hair-do also known as “Titi-Cut” kasi may hiwa sa gitna!
December 22nd, 2006 at 10:53 am
Hwekhekhekhek!! Tama si Jay, mga tol! Slambook..Slamdunk!
Mas appropriate kay Tenco yung term na “Titi-cut”!